Obiena sasabak uli
Ernest John Obiena
Obiena sasabak uli
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang bigating pangalan na ang tinalo ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang mga sinalihang torneo bilang paghahanda sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ngunit tanging si world record holder Armand Duplantis ng Sweden ang hindi pa nagagawang ta-lunin ng 6-foot-2 Pinoy pride.

Makakasukatan ng 24-anyos na si Obiena ang 20-anyos na si Duplantis sa Rome leg ng Diamond League na tinawag na “Golden Gala-Pietro Mennea” sa Stadio Olimpiaco sa Italy.

Kasalukuyang hawak ni Duplantis, naghari ng limang beses sa anim na Diamond League legs, ang world record na 6.18 metro.

Sa una nilang pagkikita sa isang torneo sa Monaco noong Agosto ay nagtala si Obiena ng 5.70m para sa bronze medal habang inangkin ni Duplantis ang gold medal sa nilundag na 6.00m.

Ang iba pang kalahok sa torneo sa Rome ay sina dating world champion Raphael Holzdeppe ng Germany, 2016 Rio silver medal winner Renaud Lavillenie ng France, Ben Broeders ng Belgium, Harry Coppell ng Great Bri­tain, Piotr Lisek ng Poland, Bo Kanda Lita Baehre ng Germany at Claudio Michel Stecchi ng Italy.

May limang podium finishes si Obiena sa mga nilahukan niyang kompetisyon, kabilang dito ang bronze medal sa nakaraang Poznan Athletics Grand Prix sa Poland.

Tinalo na ni Obiena sina 2016 Rio Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil para sa gintong medalya sa nakaraang 59th Ostrava Golden Spike sa Czech Republic.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with