Makukumpleto na ang Talk ‘N Text
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang Talk ‘N Text KaTropa sa pagda-ting nina Simon Enciso at Ray Parks Jr. mula sa US.

Matapos matengga sa Amerika bunsod ng pandemya, nakauwi na ang dalawang pambato ng Pilipinas bagama’t kailangan munang tapusin ang kanilang 14-day quarantine bago tuluyang makasali sa ensayo ng KaTropa.

Numero unong requirement ng PBA at ng Joint Administrative Order (JAO) ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board ang quarantine at swab test para sa mga manlalarong galing sa ibang bansa bago makasama sa training ng kanilang team.

Sakto rin ang pagdating ng dalawa dahil sa Moro Lorenzo Gym sa Katipunan na ulit magsasanay ang TNT matapos ang dalawang linggong camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Wala na sa poder ng TNT ang veteran big man na si Kelly Williams na biglang nagretiro.

Limited training pa lang ang ginagawa ng 12 PBA teams ngunit lahat ay umaasang papayagan na ng Inter-Agency Task Force ang scrimmage.

Kapag puwede na ang scrimmage, sunod na hihilingin ng PBA ay ang games resumption na planong simulan sa Oktubre.

Kung saan gaganapin ang mga laro at kung ano ang format ay kasalukuyan pang pinag-uusapan habang isinusulat ang balitang ito sa pakikipagpulong ni Commissioner Willie Marcial sa mga 24-players ng representative  ng mga teams bago ang Board of Governors meeting uli ngayong araw.

Nauna nang nagpulong ang PBA noong nakaraang linggo kung saan may apat na hotels ang nagpresent ng proposal para maging venues ng liga kung magdedesisyon itong gamitin ang single bubble site ng NBA.

TALK ‘N TEXT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with