Parks mami-miss si Alapag
Jimmy Alapag at Ray Parks, Jr.
Parks mami-miss si Alapag
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Parang nawalan uli ng isang ama ang pakiramdam ni Ray Parks, Jr. sa pag-alis ng itinuturing niyang ikalawang ama na si Jimmy Alapag na kanyang coach sa SMB- Alab team sa ABL.

Dahil sa hindi magandang sitwasyon ng bansa sa gitna ng pandemya, nagpasya si Alapag na tuluyan ng lisanin ang Pinas at mag-stay for good sa Los Angeles kasama ang pamilya.  Lumipad ang buong mag-anak kawakalawa, ilang araw lang matapos inanunsyo nina Alapag at asawang si LJ Moreno ang pagkakalaglag ng kanilang bunsong anak.

Sa Instagram nag-post ng photo si Parks, kararating lang ng Pinas galing US, kasama si Alapag.

“I just want to say thank you for being a mentor, a friend, and most importantly a father figure to me. Thank you for inspiring me to be better on and off the court. You are truly the definition of what greatness is,” sabi ni Parks, anak ng yumaong 7-time PBA Best Import na si Bobby Ray Parks.  “I’ll continue to listen to your words of wisdom and strive to be the best that I can be. I wish you all the best on your best on your next chapter.”

JIMMY ALAPAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with