Heat-Celtics simula na ang giyera
Heat-Celtics simula na ang giyera
(Pang-masa) - September 16, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Magkasabay na pumasok sa NBA sina Kemba Walker ng Boston Celtics at Jimmy Butler ng Miami Heat noong 2011 draft.

Ngayon ay isa nang five-time All-Star guard si Butler, habang si Wal­ker ay isang four-time selection.

Pangungunahan nina Walker at Butler ang kanilang mga koponan para sa Eastern Confe­rence best-of-seven finals series na magsisimula ngayon.

Sisimulan ng third-seeded Boston at fifth-seeded Miami ang kanilang duwelo sa Game One kung saan hangad ng Heat ang una nilang East championship sapul noong 2014, samantalang target ng Celtics ang una nilang simula noong 2010.

“We all think that we’re supposed to be here,” wika ni Butler. “And that’s the way that I think, that’s the way that I love, the way that our guys think as well. Because I think confidence and your mental (approach) is the majority of this thing. Going into these games, it’s about us. We’re in control of our destiny right now.”

May 2-1 record ang Boston sa kanilang tatlong pagkikita ng Miami sa regular season, winalis ang Philadelphia sa first round aat sinibak ang reigning champion Toronto Raptors sa Game Seven ng East semifinals series.

Sinabi ni Walker na malaki ang respeto niya kay Heat Fil-American coach Erik Spoelstra.

Winalis ng Miami ang Indiana Pacers sa first round, 4-1, bago pinatalsik ang paboritong Milwaukee Bucks sa Game Five, 4-1, sa semis papasok sa East conference finals.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with