Children’s Book ni Diaz
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang children’s book na patungkol sa buhay ni Pinay weightlifting stalwart Hidilyn Diaz ang proud niyang ibinida sa kanyang Instagram.

Ipinakita ni 2016 Rio Olympics silver medalist ang libro na may pamagat na ‘Ginto’t Pilak’ kung saan isa siya mga nagsulat nito kasama ang writer na si Eugene Evasco katulong na inilathala ng Anvil Publishing.

Ayon kay Diaz, mababasa rito ang mga kanyang buhay at karanasan bago pa siya sumabak sa weightlifting at nagbigay ng karangalan sa bansa.

“This book is the story of my life to inspire the younger generation to dream high and tell them to reach their dream but they have to work hard because there is no instant in life,” sabi ni Diaz.

Isang magandang paraan din aniya ang pagkaka-publish ng librong ito para sa kanyang adbokasiya na magpalaganap ng kamalayan tungkol sa weightlifting at makahanap ng iba pang atleta na maaaring mas magaling pa sa kanya.

Sa mga nais bumili, bisitahin ang www.anvilpublishing.com/children-teens/kids/gintot-pilak/ o sa Shopee at Lazada.

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with