Miami tinapos ang Milwaukee

Miami tinapos ang Milwaukee

(Pang-masa) - September 10, 2020 - 12:00am

LA Lakers lumamang sa 2-1

LAKE BUENA VISTA, Florida — Wala nang nagawa si Milwaukee Bucks superstar forward Giannis Antetokounmpo kundi panoorin ang pagpasok ni Jimmy Butler at ng Miami Heat sa Eastern Conference Finals.

Tinapos ng fifth-seeded na Heat ang kampanya ng best regular-season team na Bucks, 103-94 sa Game Five ng kanilang best-of-seven semifinal series kahapon sa NBA bubble.

Hindi naglaro si Antetokounmpo dahil sa kanyang sprained right ankle.

“I don’t think we’ve played a full 48-minute game yet. And thats what’s promising,” sabi ni Butler, umiskor ng 17 points kagaya ni Goran Dragic para sa Miami na isinara sa 4-1 ang kanilang serye ng Milwaukee.

Lalabanan ng Heat sa East Finals ang mananalo sa semis duel ng Boston Celtics at nagdedepensang Toronto Raptors.

Ito ang unang East Finals appearance ng Mia-mi sapul noong 2014.

Nagdagdag si Jae Crowder ng 16 markers, habang may 14, 13 at 12 points sina Tyler Herro, Bam Adebayo at Kelly Olynyk para sa Heat.

Pinamunuan ni Khris Middleton ang Bucks sa kanyang 23 points at may 15 points at 14 rebounds si Brook Lopez.

Samantala, dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Los Angeles Lakers matapos gibaing muli ang Houston Rockets, 112-102 sa Game Three ng kanilang Western Conference semis showdown.

Inangkin ng Lakers ang 2-1 series lead kung saan tumapos si LeBron James na may 36 points, 7 rebounds at 5 assists, habang nagtala si Anthony Davis ng 26 markers, 15 boards at 6 assists.

Muling binanderahan ni James Harden ang Rockets sa kanyang 33 points, 9 rebounds at 9 assists at may 30 markers, 8 boards at 6 assists si Russell Westbrook.

MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with