Letran may pa-welcome sa 3 ex-UST players
Letran may pa-welcome sa 3 ex-UST players
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Opisyal nang winelcome sa team ng NCAA season 95 champion na Colegio de San Juan de Letran ang tatlong bagong manlalaro mula sa University of Santo Tomas.

Sina Letran coach Bonnie Tan at special rector for sports development Alfrancis Chua ang nag-welcome kina  Brent Paraiso, Rhenz Abando at Ira Battaler.

Kung matutuloy ang ika-96 season ng NCAA sa first quarter ng 2021 kung saan ang Intramuros-based squad ang host, kailanganin pang bunuin ng tatlo ang one-year residency.

Kung sa sakali namang sa September 2021 pa sisimulan ang bagong season, puwede nang lumaro ang dating Tigers trio dahil two-semesters sit out lang ang required sa NCAA.

Makakasama nina Paraiso, Abando, at Bataller sa isang season ang mga graduating players na sina Jeo Ambohot, Larry Muyang at Christian Fajarito at dalawang season naman ang reigning Finals MVP na si Fran Yu.

Isa-isang naglayasan sa UST ang mga players dahil pumutok ang isyu ng kanilang sikretong training bubble sa Capuy, Sorsogon sa ilalim ni head coach Aldin Ayo na nag-resign na rin.

 

LETRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with