Alyssa isa sa NBA virtual fan
Alyssa Valdez
Alyssa isa sa NBA virtual fan
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Feel na feel ni The Phenom Alyssa Valdez ang kanyang pagiging NBA fan nang isa siya sa mga sinuwerteng napabilang sa virtual audience sa Western Conference Semifinals match ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets kahapon.

Memorable experience kay Alyssa ang pagiging virtual fan dahil na-focus pa sa kanya ang camera habang kalong ang kanyang French bulldog na si Blake.

Naispatan ng isang fan ang ilang segundong pagkaka-focus  sa Philippine women’s volleyball national team ace player na si Alyssa at na-capture niya ito.

Tila naging suwerte ang panonood ng three-time Premier Volleyball League (PVL) MVP sa LA La-kers dahil naungusan nila ang Rockets 117-109 para itabla ang kanilang semifinal series sa 1-1.

“Wow big time @AlyssaValdez2 Virtual fan sa La-kers-Rockets game. Na zoom in pa ! Haha,” tweet ni Mighty Sports coach Charles Tiu habang na-excite naman si Rex Intal nang i-tweet niya ang: “@AlyssaValdez2 fnocus ka sa LAL-HOU game!!!”

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with