Saso-mazing

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - September 1, 2020 - 12:00am

Dahil sa pandemya, nadiskaril ang 2020 Tokyo Olympics at hinto ang lahat ng sports events sa bansa.

Sa kasalukuyan, kababalik pa lamang ng PBA sa non-scrimmage training. At liban dito, lahat ay nakatengga pa rin. Pero sa gitna ng pandemya ay hindi mapipigilan magningning ang ating mga pambato sa international stage. Nariyan sina pole-vaulter EJ O­biena at weightlifter Hidilyn Diaz na nagpapasiklab sa mga virtual events.

May mga respectable showings sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa LPGA Tour kung saan nakikipagbakbakan sila laban sa mga malala­king personalidad sa world ladies golf.

At dumadagundong ang pangalang Yuka Saso, na sa kanyang kabataang edad, 19, ay biglang dinomina ang Japan LPGA – pinakamalaki at prestihiyosong golf tour sa Asia.

Bilang JLPGA Tour rookie, tumuhog si Yuka ng back-to-back championships. At sa tatlong legs pa lamang na nilaruan sa nasabing golf tour, tumataginting na P27 million na ang napanalunan ng pambatong Fil-Japanese golfer.

Dahil dito, kasisimula pa lamang ng second half ng taong 2020 ay mukhang tapos na ang laban para sa PSA Athlete of the Year award.

Siguradong hindi dito matatapos ang kiriring ng bank account ni Yuka.

Pero hindi ito ang ultimate goal ni Yuka.

Pangako niya na siya ay magpupursigi upang tapusin ang matagal ng mithiin ng bansa na makamit ang unang gold medal sa Olympics.

 Go Yuka!!!!

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with