Isang kalye sa Los Angeles ipapangalan kay Kobe Bryant
Isang kalye sa Los Angeles ipapangalan kay Kobe Bryant
(Pang-masa) - August 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa loob ng Staples Center, nakasabit sa rafters sa itaas ang No. 8 at No. 24 jersey ni Kobe Bryant  mula pa noong 2017 at  ngayon sa labas ng Staples Center, ang bahagi ng Figueroa Street ay ipapangalan sa da-ting Los Angeles Lakers star.

Gagawing Kobe Bryant Boulevard  ang Figueroa Street  na nasa pagitan ng Olympic Boulevard at Martin Luther King Jr. Boulevard, ayon kay Los Angeles City Council member Herb J. Wesson Jr.

Ang pagpapangalan kay Bryant ng naturang kalsada ay inihayag ni Wesson Jr. nitong Lunes na may petsag 8/24  na kikilalanin na ngayon bilang Kobe Bryant Day sa Los Angeles and Orange County.

Ang NBA superstar na si Bryant at ang kanyang anak na si Gianna ay kabilang sa siyam na nasawi sa helicopter crash noong January 26.

Gumamit ang Lakers ng special “Black Mamba” uniforms sa pag-alala kay Bryant at kay Gianna sa Game 4 ng kanilang first-round playoff series kontra sa Portland Trail Blazers na kanilang ipinanalo sa 135-115 para kunin ang 3-1 bentahe sa best-of-seven serye.

Birthday ni  Bryant noong Linggo at 42-gulang na sana siya.

Ang bahagi ng West 11th Street na intersection sa Figueroa at naghihiwalay sa Staples Center sa plaza sa  L.A. Live, ay pinangalanan nang Chick Hearn Court bilang pag-alala sa dating Lakers play-by-play announcer noong 2002.

KOBE BRYANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with