^

PM Sports

Best Sixth man si Clarkson?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tumikada si Jordan Clarkson ng 26 points at nagdagdag pa ng four rebounds, three assists at one steal sa kanyang maningning na performance sa 124-105 panalo ng Utah Jazz kontra sa Denver Nuggets sa Game Two ng kanilang NBA playoff matchup.

Hindi rin masama ang 18 point performance ng Fil-Am shooting guard sa Game One kung saan nasilat sila ng Nuggets.

Sa kabuuan ng kasalukuyang NBA season, kumakamada si Clarkson ng averages na 15.6 points, 2.8 rebounds at 1.4 assists.

Tunay na malaki ang impact ni Clarkson sa kanyang unang taon sa Utah Jazz galing sa Cleveland Cavaliers.

Ang tanong ay kung sapat na ang lahat ng ito para siya tumimbang sa laban para sa Sixth Man of the Year Award.

Ang siste, si Lou Williams pa rin daw ng LA Clippers ang pangunahing kandidato at isa pang Clipper sa katauhan ni Montrezl Harrell ang ma-tinding kalaban. Ito ay kung pagbabasihan ang mga recent write-ups.

Nababanggit din sina Goran Dragic ng Miami Heat, Dwight Howard ng LA Lakers at Dennis Schroder ng Oklahoma City Thunder.

Dalawang sunod na season nang hawak ni Williams ang award at napanalunan niya rin ito noong 2015 kaya’t tabla na sila ni Jamal Crawford bilang three-time winners.

Karangalan para sa lahing Pinoy kung masilat sila ni Clarkson.

Mariing ini-endorso ni Donovan Mitchell ang kanyang teammate na “game-changer” para sa Jazz sa taong ito.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with