Bucks, Lakers parehong silat

Bucks, Lakers parehong silat

(Pang-masa) - August 20, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Kabiguan kaagad ang nalasap ng season best team na Milwaukee Bucks habang nanggulat naman ang dehadong Portland TrailBlazers sa NBA playoffs kahapon dito sa Disney World bubble.

Nagposte si big man Nikola Vucevic ng playoff career-high na 35 points at 14 rebounds para tulungan ang No. 8 Orlando Magic na talunin ang No. 1 Bucks, 122-110 sa Eastern Conference.

“We don’t care what other people have to say,” ani Vucevic. “We focus on ourselves and we came out and played a great game on both ends of the floor.”

Nagdagdag si Terrence Ross ng 18 points habang may 15 markers si Gary Clark at kumolekta si guard D.J. Augustin ng 11 points at 11 assists para sa Orlando, 14-point underdogs sa Milwaukee sa kanilang best-of-seven series.

Tumapos si superstar forward Giannis Antetokounmpo na may 31 points, 17 rebounds at 7 assists sa panig ng Bucks.

Samantala, humataw naman si Damian Lillard ng 34 points para banderahan ang No. 8 Bla­zers sa 100-93 pananaig sa No. 1 Los Angeles Lakers sa Western Conference.

Nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 16 points at 15 rebounds para sa Portland na sinayang ang inilista ni LeBron James na ika-24 postseason triple-double  nito sa tinapos na 23 points, 17 rebounds at career-high 15 assists para sa Lakers.

Kumolekta naman si James Harden ng 37 points at 11 rebounds para pamunuan ang No. 4 Houston Rockets sa 123-108 pagpapatumba sa No. 5 Oklahoma City Thunder sa West.

Naglaro ang Rockets na wala si All-Star Russell Westbrook, may quad injury ngunit nakapagsalpak ang Houston ng 20 three-pointers.

Tumipa naman si Jimmy Butler ng dalawang mahalagang triple sa dulo ng fourth quarter para akayin ang No. 4 Miami Heat sa 113-101 paggupo sa No. 5 Indiana Pacers sa East.

Nagtala si Bam Adebayo ng 17 points, 10 rebounds at 6 assists para sa Heat ni Fil-Am coach Erik Spoelstra.

MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with