^

PM Sports

Maagang silatan sa NBA playoffs

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nakikita ng marami na maagang magkakasilatan sa pagsisimula ng playoffs ng NBA bubble sa Disney World Resort sa Orlando, Florida.

“May masisilat sa first round pa lang. At isa ang Lakers sa delikadong matapilok,” ani Kandong Pabaya na bida sa huntahan na may social distancing ng tropang kubo sa Maysan, Valenzuela sa araw ng kanyang 55th birthday kahapon.

May matinding pag-ayon lalo na mula sa mga mas lalong humanga kay Damian Lillard dahil sa kanyang MVP showing sa seeding games.

“May momentum, mataas ang kumpiyansa at gigil ang kikig,” ani Pareng Odie Chua sa mga bagay na dala nila Lillard at katropa sa pagharap sa Western Conference top seed na LA Lakers.

“Sa Eastern Conference, mukhang Boston naman ang delikadong masilat,” ani Kagawad Dennis Alemania, na kampi sa No. 6 na Philadelphia kontra third seed na Boston.

Nagmamasid lamang si Eng. Ariel Francisco na bilang golfer ay mas interesadong langhapin ang panalo ni Yuka Saso sa Japan golf tour. Samantalang ang pagkainip sa sa-bong ang nararamdaman ni Eng. Ernie Malit.

Magsisimula ang playoffs araw ng Lunes sa US (ngayon sa Pilipinas) kung saan maghaharap ang Utah Jazz-Denver Nuggets, Brooklyn Nets-Toronto Raptors, Philadelphia Sixers-Boston Celtics at Dallas Mavericks-LA Clippers.

Sa susunod na araw ang simula ng Orlando Magic-Milwaukee Bucks, Miami Heat-In­diana Pacers, OKC Thunder-Houston Rockets at Blazers-Lakers.

Tutok ang sports world sa kaganapang ito lalo na ang Filipino sports fans na walang ibang napapanood na sports events sa kasalukuyan.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with