^

PM Sports

Bawal sa NBA bubble ang mga ‘jowa-jowaan’

Pang-masa

LAKE BUENA VISTA, Fla. – Bawal ang jowa-jowaan o ka-fling lang ng mga players na pumasok sa NBA bubble at ang puwede lang ay ang mga matagal na nilang karelasyon, ayon sa napagkasunduan ng NBA at  ng players association base sa Memo na nakuha ng ESPN.

Hindi puwede ang mga bisitang nakilala lang ng mga players sa social media o ipinakilala lang ng kung sino. Ang puwede lang ay ‘yung mga kilalang  matagal na nilang karelasyon.

Ayon sa isang general manager, ang mga ‘casual acquaintances’  ay puwedeng pagmulan ng problema lalo’t nananatiling COVID-19 free ang NBA bubble.

Nagkasundo ang NBA at NBPA na papayagang magpapasok ng hanggang apat na kapamilya at kaibigan bukod pa sa mga anak ang mga players, pagkatapos ng unang round ng round playoffs na magiging kapalit ng mga lalabas na nasibak na teams.

Ang mga bisita ay kailangang mag-quarantine  ng pitong araw sa loob ng Disney resort o mag-quarantine ng apat na araw sa team venue at sasama sa charter flight papuntang Orlando at quarantine uli ng apat na araw sa Disney campus.

Ang mga players ay bibigyan ng one ticket per guest per playoff game bukod pa sa isang upuan para sa batang ‘di tataas ng 32 inches, ayon pa sa memo. Para ma-control ang infection, bawal ding gumala-gala ang mga ‘bisita’ sa  labas ng campus zone at pumunta sa mga Disney theme parks.

Ang mga second-round playoff team ay may 17 hotel rooms para sa kanilang mga guests. Ang mga bisitang dara-ting ng maaga ay makakatapos ng quarantine process sa Aug. 31 at maaari na nilang makasa- lamuha ang kanilang kapamilya, sabi pa sa memo.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with