Sa garahe nagte-training si Alyssa
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit may umiiral na quarantine, hindi ito nakapigil sa The Phenom na si Alyssa Valdez para mag-training.

Aktibo pa rin si Valdez dahil gumawa ito ng paraan para patuloy na makapalo at hindi kalawangin.

Sa latest Instagram post ng three-time Premier Volleyball League (PVL) MVP, makikita ang isang makeshift na court sa garahe at dito siya humahataw.

“Champion journeys continue at home. “Going back to basics,” ani Valdez sa video na may halos 184k views at 47k likes.

Sariling kayod si Alyssa dahil pagpalo niya, siya pa rin ang nagre-recieve pagtama ng bola sa isang box na kahon sa kabilang court at may kasama lang siyang taga-set.

Nagbiro naman ang kakampi niya sa Creamline na si Michele Gumabao nang magkomento ito ng “Reporting this video as abusive and traumatizing content” na may kasamang laugh out loud emoji na kanya namang sinagot ng “Hahahahaha just a moment.”

Si BanKo Perlas outside spiker Dzi Gervacio naman ay may nakakatawang tanong sa da­ting Ateneo teammate na “Boxes were harmed in the making of this vi­deo!?” na sinagot naman niya ng “Hmm parang mas harmed ‘yung setter, nahirapan siya sa receives ko.”  

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with