^

PM Sports

Petecio level-up na ang training

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Petecio level-up na ang training
Nesthy Petecio

MANILA, Philippines — Paiigtingin ni world champion boxer Nesthy Petecio nang bahagya ang kanyang training para sa Tokyo Olympics qualifiers matapos makumpleto ang 14-day home quarantine sa Sta. Cruz, Davao Del Sur kamakalawa.

Sa pagwawakas ng kanyang quarantine buhat nang makauwi noong katapusan ng Hulyo ay nakatakdang magset-up ng mini-camp sa kanilang bahay na may punching bag ang 28-anyos na Filipina fighter para magpalakas matapos ang limitadong pagpapakondis-yon nitong mga nakaraang buwan.

Malaking tulong ito sa kanyang pagbabalik sa kundisyon lalo’t natengga siya sa limitadong workouts sa Baguio City at Pasig City, kung saan siya naipit kasama ang Philippine women’s boxing team sa loob ng limang buwan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Tanging online training sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) lang ang ginagawa ni Petecio habang nasa quarantine.

Sa kabila naman ng inaasahang pag-angat ng kanyang ensayo, umaasa pa rin ang featherweight standout na makakabalik ito regular na training pagkatapos ng pandemya upang mapalakas ang tsansa niya sa mga natitirang Olympic qualifiers.

“Sa ngayon, hindi ako 100% dahil siyempre ang hirap po sabihin na sure akong makakuha ng slot lalo’t walang tamang training,” aniya.

Nabigong mag-qualify si Petecio sa Tokyo Games noong nakaraang Marso nang kapusin sa Asia and Oceania Boxing Olympic Qualifying Tournament.

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with