Pinag-init ng Suns ang laban sa play-in
Pinag-init ng Suns ang laban sa play-in
(Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nananatiling walang talo ang Phoenix Suns sa NBA bubble matapos itala ang kanilang ikaanim na sunod na panalo nang igupo ang Oklahoma City Thunder, 128-101 nitong Lunes  para umangat sa 32-39 karta na nagpalakas ng kanilang laban sa paly-in games para sa huling playoff spot sa Western Conference.

Ngunit mahaba pa ang daan ng Phoenix, uma-ngat na sa 10th place papalapit sa No. 9 spot na may karapatang hamunin sa play-in series ang No. 8 team. Kasalukuyang umuokupa ng No. 8 ang Memphis (33-38) kasunod ang Portland (33-39). Pare-pareho silang may tigalawang laro na lang na natitira.

“We haven’t accomplished anything,” pahayag ni Phoenix Suns coach Monty Williams. “It may sound like coach speak, but we dug ourselves a hole with our record. ... We’re here and we’re thankful for that. But we haven’t accomplished anything as far as the main goal. Everybody is trying to get to the playoffs and we’ve just said we’re going to take it one step at a time.”

Hinabol ng Phoenix ang first quarter 16-points lead ng Thunder na ipinahinga ang kanilang tatlong starters at ‘di pa rin nakakaasa kay Sixth Man of the Year candidate Dennis Schroder na lumabas ng NBA bubble para samahan ang manganganak na asawa.

Nag-init si  Devin Booker na nanguna sa lahat ng scorers sa kanyang 35 points kabilang ang 14-for-14 sa free throw line kasabay ng paglagkit ng depensa ng Suns na limitahan ang Oklahoma sa 37 points lamang sa second half matapos nilang paiskorin ng 37 points sa first quarter.

“It’s been fun,” ani Booker na pinantayan ang kanyang franchise record  na 15 beses sa pinakamaraming 35-point games sa isang season. “We’ve been playing really good basketball. We’ve been having fun on and off the court with each other. We’re becoming closer. We’re learning each other. And we’re communica­ting with each other.”

Humigpit ang labanan kung sino ang magla­laro sa play-in series kaya binabantayan na ngayon ang win percentage ng mga naghahabol na teams dahil ito ang magiging batayan ng final standings.

Sa apat na teams na naglalaban-laban, ang Memphis at Phoenix ay magtatapos na may parehong 73 games total, ang Portland ay 74 habang ang San Antonio ay 71 lang.

PHOENIX SUNS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with