MVP nakisimpatya sa FIBA-Asia
Manny V. Pangilinan
MVP nakisimpatya sa FIBA-Asia
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maging si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan ay nakikisimpatya sa mga FIBA Asia officials at mga Lebanese matapos ang pagsabog sa Beirut noong nakaraang linggo.

“It was with great sadness when I learned about the most regretful explosion in the Port of Beirut,” ani MVP sa liham para sa FIBA Asia na pinangu­ngunahan  ni Executive Director Hagop Khajirian.

“I join the people of your city, and the people of Lebanon, in their hour of grief and suffering, and send to them our prayers and our thoughts.”

Isa ang FIBA Asia headquarters sa naapektuhan ng pagsabog sa Beirut na kumitil sa lagpas 100 katao habang lagpas 6,000 naman ang sugatan.

Sa kabutihang palad ay wala namang nasawi sa staff ng FIBA Asia.

Malapit ang PLDT chairman na si MVP sa FIBA Asia at kay Executive Director Khajirian dahil board member siya ng FIBA Central Board.

Nauna na nang nagbigay ng simpatya ang dating Gilas Pilipinas captain na si Jimmy Alapag sa mabuting kaibigan at Lebanese legend na si Fadi El Khatib gayundin sa mga opisyal at manlalaro ng Lebanon national team.

Noong nakaraang linggo rin ay si SBP President Al Panlilio naman ang nagpadala ng pakikiisa sa FIBA Asia matapos maglabas ng opisyal na pahayag at suporta.

MANNY V. PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with