Kiana Dy, Dwight Ramos lantaran na
Kiana Dy at Dwight Ramos
Kiana Dy, Dwight Ramos lantaran na
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinakilig nina Kim Kia­na Dy at Dwight Ramos ang kanilang mga social media followers nang tuluyan na nilang ilantad ang kanilang relasyon.

Confirmed at hindi na tsismis ang relasyon ng dalawa matapos mag-post si Kiana ng kanilang picture ni Dwight sa Instagram sa kanyang account na @kianady na may caption na: “Stuck with u.”

Nauna nang nag-post ng kanilang couples photo si Dwight sa kanyang IG na @Dram0s na may caption naman na “Don’t let the good one go.”

Marami ang kinilig at may pabirong komento ang isang netizen kung bahagi na ba ng prenup ang pinost na picture  ni Kiana na lagpas na sa 45k ang likes.

Noong Enero nagsimulang umugong ang pagmamabutihan nina Dy, dating Lasalista at Dwight na dati namang Atenista,  halos kalaha-ting taon mula nang mahiwalay si Kianna sa kapwa volleyball star na si Marck Espejo noong 2019.

KIANA DY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with