Hirap at sarap ng pagiging isang PBA Commissioner
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Casting coup ang nabuo sa nakaraang episode ng Power and Play program ni Noli Eala sa TV5 nang mapagsama-sama niya ang mga kapwa niya dating PBA commissioners at ang kasalukuyang league chieftain.

Maraming natalakay sina Eala, Sonny Bar-rios, Chito Salud, Chito Narvasa at Willie Marcial kasama na ang sarap at hirap ng pagiging PBA Commissioner.

Bilang isa sa mga nakapag-serve ng mahabang panahon bago minabuting bumaba sa puwesto, si Salud ang nakapagkuwento ng husto kung gaano ka-fulfilling pero challenging at taxing ang trabaho.

“24/7,” ani Salud.

Ibig sabihin nakabantay ka sa liga sa buong 24- oras sa isang araw at pitong araw sa isang linggo.

“That job is really taxing physically and mentally. You have out of town games and then you have meetings everyday. You have to review games, you have to instruct your referees on a daily basis, and you have to decide on controversies,” diin ni Salud.

“Hindi lang stamina physically ang kailangan but mentally. Stressed out ka talaga. So after five years, I was totally fatigued,” dagdag pa niya.

“You have to be physically and mentally alert all the time because you’re the face of the league,” sundot ni Eala.

Siyempre, pinagdaanan nilang lahat ang pagharap sa matitinding reklamo ng mga teams.

Kay Barrios, may isa raw pangyayaring may reklamong nagsimula sa team manager, umakyat sa team governor at umabot hanggang sa team owner.

Sa kanyang ikatlong season bilang kume, mukhang pinakamabigat ang challenge na hinaharap ng current kume na si Marcial dahil siya ang pinuno sa paglalayag sa kakaibang panahon.

Pero naniniwala ako na maitatawid ni Comm. Willie ang liga sa sitwasyong ito.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with