^

PM Sports

McGregor may inspirasyon para labanan si Pacquiao

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
McGregor may inspirasyon para labanan si Pacquiao
Connor McGregor at Dee Devlin

MANILA, Philippines — Ikakasal na si Irish mixed-martial artist (MMA) superstar Connor McGregor sa kanyang long-time girlfriend na si Dee Devlin.

Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang picture sa social media kung saan makikita ang engagement ring na suot ni Devlin.

“What a birthday, my future wife!” caption ni McGregor sa picture sa ika-33rd kaarawan ni Devlin.

Taong 2008 ng maging magkarelasyon ang dalawa at nagbunga ng dalawang anak ang matagal nilang pagsasama. Si Conor Jack Jr. ay ipinanganak noong May, 2017 at noong January lang isinilang ang bunso na si Croia.

Noong Hunyo, inihayag ni McGregor sa ikatlong pagkakataon ang kanyang pagreretiro pero kamakailan ay lumikha ng ugong ang pagpapahiwatig niya ng kanyang paghahamon kay Manny Pacquiao nang mag-post ito sa Twitter ng “Tinatanggap ko.”

Ang kanyang pagpapakasal ang maaaring inspirasyon ni McGregor para labanan si Pacquiao na inaasahang tatabo sa takil-ya pero hanggang ngayon ay wala pang reaksiyon sa kanyang ‘hamon’ ang Pambansang Kamao.

vuukle comment

CONNOR MCGREGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with