_pang-masa
^

Gin Kings mami-miss sa games ang Ginebra die hard fans

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangang matutunan ng Gin Kings na maglaro na wala ang kanilang ‘sixth man’ na Ginebra die hard fans kung sakaling magtuluy-tuloy ang pagbabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) season sa ilalim ng ‘new normal’ bunsod ng COVID-19 pandemic.

“It’s going to be a big adjustment for us. We’re going to have to realize that there are certain things that we won’t be able to do or rely on without the fans there,” ani coach Tim Cone na guest sa The Chasedown show ng ONE PH nitong weekend. “We’re going to have to learn how to kick ourselves in the gear and not rely on the fans to get us in the gear. Play big moments without the fans.”

Sa pagbabalik ng PBA kapag gumanda na ang stiwasyon ng krisis, inaasahan na ipagbabawal pa rin ang fans sa mga venues dahil sa banta ng CO-VID-19 tulad sa NBA gayundin ng ibang sports leagues sa buong mundo.

Sa katunayan, sa ensayo pa lang ay limitado na sa limang manlalaro kada-batch ang PBA teams ayon sa aprubadong guidelines at protocols ng PBA gayundin ng GAB, PSC at DOH.

Bagama’t ang paborito ng masang Ginebra ang pinaka-apektado sa lahat ng PBA teams, tiwala naman si Cone na masasanay ang kanyang manlalaro bilang mga “professional” players.

“Our guys will play hard, they’re professional. They know and love the game. I don’t think that going to be an issue in terms of our guys playing hard. Its’ just the extra boost that you get from the fans is so valuable,” dagdag niya.

Naghihintay pa ngayon ang Ginebra at ibang PBA teams sa go-signal ng training return matapos maudlot ang pagbabalik ngayong linggo nang ipatupad ang modified enhanced community qua-rantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig lugar hanggang Agosto 18.

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with