^

PM Sports

Nets, Magic pasok na

Pang-masa
Nets, Magic pasok na

LAKE BUENA VISTA, Fla. — Kumpleto na ang walong teams na kasama sa Eastern Conference playoffs  at lumilinaw na rin ang buong cast ng Western Conference.

Nakopo ng Brooklyn at Orlando ang dalawang natitirang slots sa East nitong Biyernes kaya walang mangyayaring play-in series sa kanilang conference na idinagdag na rule sa NBA season restart sa Walt Disney World ngunit malamang na kailanganin ito sa West.

Nakasiguro ang Brooklyn matapos igupo ang Sacramento, 119-106. Ang Orlando ay pumasok nang matalo ang naghahabol na Washington sa New Orleans, 118-107 kaya nasibak na ang Wizards sa contention.

Nanguna si Caris LeVert sa kanyang 22 points habang si Jarrett Allen ay nagdagdag ng 17 points, 11 rebounds at walong assists para sa Brooklyn na umangat sa 33-36 karta.

Ang Nets at Magic ay No. 7 at No. 8 ayon sa pagkakasunod sa East playoffs. Ang No. 8 seed ay haharap sa Milwaukee Bucks sa opening round ng playoffs na magsisimula sa Aug. 17. Ang No. 7 seed ay puwedeng maharap sa reigning NBA champion na Toronto Raptors na kasalukuyang nasa No.2 spot ng East.

Para sa Nets mala-king bagay ang kanilang pagpasok sa playoffs dahil alam naman nating wala si Kevin Durant na nagrerekober pa mula sa naoperahang Achilles, halos ‘di naasahan si Kyrie Irving ng buong season dahil sa injury at mara-ming regular players ang hindi sumama sa NBA bubble, nagpalit pa sila ng coach noong March.

Kahit talo ang Orlando sa Philadelphia 108-101, nakapasok pa rin sila sa playoffs nang malasap ng Wizards ang kanilang ikalimang talo sa ganun ding dami ng laro sa loob ng ‘bubble.’

Dahil sa pagbagsak ng Wizards  sa 24-45 record sa tenth place, wala na rin silang pag-asa sa play-in tournament na ibinibigay sa koponangmakakalapit ng 4-games sa No. 8 team pagkatapos ng seeding games.

Ang panalo ng Philadelphia ang nagpahigpit ng laban sa No. 4 spot sa East. Katabla ng 76ers (42-27) ang Indiana sa fifth-best record, isang game ang layo sa fourth-place na Miami (43-26).

Samantala, umiskor si Dillon Brooks ng 22 points para makopo ng Memphis Grizzlies ang unang panalo sa NBA bubble matapos igupo ang  Oklahoma City Thunder, 121-92.

Nagtala rin si Jonas Valanciunas ng 19 points at 11 rebounds habang si Ja Morant ay may 19 points at nine assists para sa Grizzlies na nakabangon mula sa apat na talo sa NBA bubble para umangat sa 33-37 karta na nagpakapit sa kanila sa No. 8 spot ng Western Conference kasunod ang Portland na may 32-38 karta.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with