^

PM Sports

Excited na si Calvin Abueva

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Excited na si Calvin Abueva
Calvin Abueva at Salome Alejandra

MANILA, Philippines — Handa at sabik nang makabalik ulit si Calvin Abueva, hindi lamang sa kanyang koponang Phoenix sa Philippine Basketball Association (PBA) kundi gayundin sa Gilas Pilipinas sa mga future international tournaments.

Ang comeback na ito ni Abueva ang kanyang iniisip sa gitna ng pandemya lalo’t noong 2018 at 2019 pa siya huling naglaro sa Gilas at sa PBA, ayon sa pagkakasunod.

“Iniisip ko sa pagbalik ko na makapaglaro ako ng maayos at mapasama ako uli sa Gilas kahit ano ang nangyari. Nandoon pa rin ang puso ko na makasama sa national team,” ani Abueva kahapon sa Power and Play show ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

Noong Hunyo 2019 pa natengga sa PBA si Abueva nang siya ay suspindihin bukod pa ang P70, 000 multa habang noong Hulyo 2018 naman naganap ang kinasangkutan niyang rambol ng Gilas at Australia.

Bagama’t pinayagan na siyang sumama sa training ng Phoenix bago pa magka-pandemic, nananatiling suspendido si Abueva ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial sa PSA Forum noong nakaraang buwan hangga’t ‘di niya nakukompleto ang mga requirements para makabalik.

Humingi na ng public apology si Abueva noong nakaraang taon at tumulong sa community service sa kanyang hometown sa Pampanga, sa Taal Volcano eruption victims at ngayon ay sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic bilang bahagi ng kanyang parusa.

Naantala man ng bahagya ang kanyang final requirement na physchological therapy sessions ay pinagsumikapang tapusin ito ni Abueva upang ma-ging handa na sa kanyang pagbabalik.

Sa ngayon, ginugugol muna niya ang panahon kasama ang pamilya, pagsasanay sa online workouts ng Fuel Masters at paghihintay sa greenlight ng PBA.

Kahapon ay nag-post sa Instagram si Abueva ng kanilang picture ng asawang  si Sam para sa kanilang ika-10 wedding anniversary, senyales na maayos na uli ang kanilang pagsasama matapos mabalitang nagkahiwalay sila noong nakaraang taon.

 

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with