^

PM Sports

Dale pa rin ng Bucks

Pang-masa
Dale pa rin ng Bucks

MANILA, Philippines — Pasasaan ba’t nadale rin ng Milwaukee Bucks ang No. 1 seeding sa Eastern Conference playoffs kahit pa lumasap ng napakalaking upset ng Brooklyn Nets.

Halatang may mali sa Milwaukee dahil nabaon muna sila ng 23-points bago umarangkada sa second half para sa 130-116 panalo kontra sa Miami Heat na maaaring bumura sa mga espekulasyong may problema ang team.

Ang inaasahang MVP na si Giannis Antetokounmpo ang nanguna sa Bucks sa kanyang 33-points kasama ang 12 rebounds at four assists. Sablay ang lahat ng  3-point attempts niya ngunit pasok lahat ang kanyang 13 field goal attempts sa loob ng arc.

Pinagbidahan ni Antetokounmpo ang 38-11 fourth-quarter run sa kanyang tatlong dunks sa apat na possessions ng Bucks kabilang ang maangas na spin move kay Bam Adebayo.

Tumapos naman si Khris Middleton ng 33 points kasama ang 8-assists at 6-rebounds. Sa 74-43 produksiyon ng Bucks sa second half, ipinakita nila ang kanilang offensive firepower at defensive prowess para maging paboritong manalo ng NBA championship.

Umiskor naman si James Harden ng 39-points at 12 assists upang punan ang pagkawala ni Russell Westbrook tungo sa 113-97 panalo kontra sa LeBron James-less na LA Lakers.

Inihayag naman ng Philadelphia 76ers na out indefinitely si Ben Simmons dahil sa partially dislocated knee cap sa kaliwang binti.

vuukle comment

BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with