^

PM Sports

Magkakasama na uli sina Kai, Sage, Cholo

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Magkakasama na uli sina Kai, Sage, Cholo

MANILA, Philippines — Sa pagdating ni Fil-American teen star Sage Tolentino ay patuloy ang training camp ng mga Pinoy standouts sa US sa ilalim ng East West Private para sa misyong maibandera ang bandila sa big league sa hinaharap.

Matapos ang yoga session noong nakaraang linggo, swimming training naman ang sinabakan ng EWP trainees sa pangunguna ng NBA G League bound na si Kai Sotto.

Sa pagsali naman ni Tolentino sa camp mula sa hometown Hawaii ay ang pansamantalang pag-alis naman ng isa pang Fil-Am standout na si Jayden Harper na pumanaw ang lolo kaya’t lumiban muna siya sa pinaigting na training camp ng East West Private, kung saan kasama rin si FEU guard Cholo Anonuevo.

Misyon ni Tolentino at ng mga trainees na masundan ang yapak ng 7-foot-2 na si Sotto na naging kauna-unahang G League international signee sa gabay ng EWP.

Patungo na rin sa destinasyong ito ang 7-foot-1 na si Tolentino lalo’t kagagaling lang sa eksplosibong sophomore year sa Maryknoll High School.

Sa likod ng inirehistro niyang 13.5 points, 8.3 rebounds at 3.5 blocks, na-ging All-Hawaii First Team member si Tolentino na malaking susi  sa ikalawang sunod na titulo ng Spartans.

Sa ngayon ay may standing scholarship offers siya mula sa top US NCAA team na Kansas University at interesado rin ang Kentucky at Auburn.

Inaasahan ang patuloy na atensyong makukuha nina Tolentino at iba pang trainees sa ilalim ng EWP para sa iisang misyon na makaakyat sa NBA.

 

vuukle comment

SAGE TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with