Diaz tinulungan din ng MVPSF
Manny V. Pangilinan at Hidilyn Diaz
Diaz tinulungan din ng MVPSF
Joey Villar (Pang-masa) - August 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos tulungan si gymnast Carlos Yulo ay ang weightlifter na si Hidilyn Diaz naman ang binigyan ng financial assistance ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF).

Para makatulong sa kanyang training sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic, para sa mga sasalihang Olympic qualifying tournaments, binigyan si Diaz ng  P1.5 million ng MVPSF tungo sa kampanya nitong makapasok sa 2021 Tokyo Olympics sa Japan.

 “Thank you MVPSF  sa lahat ng tulong na ibinigay ninyo sa akin at sa buong team kahit may pandemic,” sabi ng 29-gulang na si Diaz na eksakto kahapon ay ang araw noong 2016 nang manalo siya ng silver medal sa Rio de Jainero Olympics sa Brazil. “Mala­king bagay para sa akin na nandiyan ang MVP na tumutulong sa akin sa journey ko papuntang  Tokyo.”

Sa kasalukuyan ay nasa Malaysia si Diaz,  nanalo ng gold sa Eleiko Email International Lifters online tournament noong July 25, kung saan nagte-training na siya bago pa pumutok ang pandemya.

“It was due to these unforeseen circumstances that we at the MVPSF decided it was best to realign our support to cover Hidilyn’s living expenses such as food and rent as she continues to remain focused towards her goal of winning the first Olympic gold for our country in her fourth time to qualify,” ani MVPSF president Al Panlilio. “Our chairman Manny V. Pangilinan deeply cares about all of the athletes under the MVPSF banner and we’re doing our best to help take care of their needs during this difficult time. We don’t want Hidilyn to worry about her day-to-day needs.”

Nauna nang binigyan ng MVPSF ang isa pang Olympic-bound na si gymnast Carlos Yulo ng P800,000 para sa kanyang ginagawang training sa Japan.

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with