Steph Curry nanaginip na nasa Disney Resort
MANILA, Philippines — Nagising mula sa magandang panaginip ang Golden State Warriors star player na si Stephen Curry at huli ito sa video ng kanyang asawang si Ayesha.
Makailang beses na tinawag at ginigising ni Ayesha si Steph hanggang maalimpungatan ito na tila nagulat at nagtataka kung nasaan siya.
“Got me.... waking up thinking I’m in Orlando,” nakakatawang caption ng Golden State Warriors gunner sa 22-second video na ishinare niya sa Instagram.
Hindi kasama ang Warriors sa NBA bubble sa Disney WorldResort sa Orlando kung saan isinasagawa ngayon ang season resumption.
Tawang-tawa sina Carmelo Anthony, Chris Paul at LeBron James na pare-parehong nag-iwan ng rolling on the floor laughing emoji habang maiksing “U alright cuz” ang comment ni NBA legend Shaquille O’Neal.
May higit 4 million views na ang video na ito at halos 1.1 million likes.
- Latest