^

PM Sports

PBA training puwede sa GCQ areas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — May option ang mga PBA teams na magsanay sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) o mas maluwag na quarantine status habang nasa mas mahigpit pang modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at mga karatig probinsya.

Ito ang inilatag ng Games and Amusement Board na option  ng mga pro teams kasunod ng pagbabalik ng NCR sa MECQ hanggang Agosto 18.

Ilan sa mga lugar na puwedeng pagdausan ng team workouts ay ang Batangas, Quezon at Bataan basta’t makukumpleto ng mga koponan ang requirements hindi lamang mula sa GAB at PBA kundi gayundin sa mga local government units (LGUs).

Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, si Commissioner Willie Marcial ang nagmungkahi ng option kung sakaling may PBA team na gustong gawin ito lalo’t mas maluwag ang quarantine implementations sa ibang lugar.

Tanging ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal lamang ang nasa MECQ simula noong Agosto 4 bunsod ng lumulubong COVID-19 cases at upang mabigyan ng pahinga ang frontliners sa kabisera.

Kung sakaling may koponang nais mag-training kasunod ng JAO approval noong nakaraang linggo, kailangang sundin nito ang mga guidelines at protocols ng PBA at GAB bukod pa sa sariling protocols ng  bawat koponan na aaprubahan ni Marcial.

Mandatory din ang COVID-19 swab testing, coordination sa LGU, travel pass at medical certificates gayundin ang pagsiguro ng matutuluyan sa lugar na pagdarausan ng training.

Puwede rin namang maghintay na lang ang mga koponan na bumalik ang NCR sa GCQ na pinaniniwalaan naman ni Mitra na mangyayari.

Bago ang MECQ announcement, nakalinya na sana ang PBA teams sa training restart sa susunod na linggo pagkatapos na COVID-19 swab test  ng mga teams nakatakda sana sa ngayong linggo na hindi rin muna itinuloy.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with