^

PM Sports

No. 1 seed sa West siniguro ng Lakers

Pang-masa
No. 1 seed sa West siniguro ng Lakers

LAKE BUENA VISTA, Fla. – Humakot si Anthony Davis ng 42 points at 12 rebounds nang masiguro ng Los Angeles Lakers ang No. 1 seeding sa Western Conference playoffs sa bisa ng 116-108 panalo sa Utah Jazz nitong Lunes ng gabi sa NBA season resumtion.

Ang Lakers na may 51-15 record ay may six-game lead sa pumapangalawang Los Angeles Clippers at may lima pang seeding games  na natitira.

Ang huling basket ni Davis ay nagresulta sa 4-point play, 42 segundo na lang ang natitira matapos niyang ipasok ang tres at ma-foul ni Rudy Gobert para sa free throw na nagbigay sa Lakers ng 114-104 kalamangan.

Sumagot din ng 4-point play si Donovan Mitchell para ilapit ang Utah sa 114-106, 36 se-conds ang natitira ngunit ‘di na sila nakausad pa nang umiskor si  Davis ng dalawang free throws, 5.2 segundo na lamang tungo sa kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro sa season restart.

 Ang Utah na sigurado na rin sa playoffs ay bu-maba sa 42-25 karta para sa fifth place sa West.

Umiskor si LeBron James ng 22 points, 11 kay Dwight Howard at 10 kay Kentavious Caldwell-Pope para sa Lakers.

Tumapos naman si Zion Williamson ng 23 points sa 109-99 panalo ng New Orleans kontra sa Memphis Grizzlies upang manatiling buhay ang kanilang tsansa sa playoffs.

Kahit malaglag sa top-8 ng conference na papasok sa playoffs may pag-asa pa rin ang ibang teams  via play-in series kung magtatapos silang may 4-games lang ang layo sa No. 8 team pagkatapos ng seeding games.

Kasalukuyang nakapuwesto sa No. 8 place ng Western Conference ang Memphis, may  tatlong panalo na sa ‘bubble’ at may natitira pang 5-laro, ngunit may habol pa rin ang mga ‘di nalalayong teams na Portland, San Antonio, New Orleans, Sacramento at Phoenix.

Samantala, kinaila-ngang lumabas ni Oklahoma guard Dennis Schro­der dahil manganganak ang kanyang asawa.

 

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with