Obiena aminadong nangalawang
Ernest John Obiena
Obiena aminadong nangalawang
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin ni top Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena na nangalawang ito matapos pumangalawa sa 13th Triveneto International Meet  na idinaos via online kamakalawa.

Hanggang 5.45 metro lamang ang nalundag ni Obiena para talunin ng nagharing si Brazilian Thiago Braz, kasama niya sa training camp sa Fornia, Italy, na nagposte ng 5.50m.

“It has been awhile since the last time I compe­ted. I’m definitely rusty and need a lot of adjustments,” wika ni Obiena sa panayam ng Radyo Pilipinas 2.

Ang performance ng 24-anyos na Pinoy pole vaulter ay malayo sa kanyang itinalang Philippine record na 5.81m na inilista niya noong September, 2019 sa isang torneo sa Chiara, Italy.

Ang nasabing online pole vault tournament ay bahagi ng ginagawang paghahanda ni Obiena, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Si Max Mandusic ng Italy ang umangkin sa bronze medal sa kanyang nilundag na 5.35m.

Ang iba pang lumahok sa naturang torneo ay sina European Championship bronze meda­list at dating World Youth champion Robert Renner ng Slovenia.

Susunod na lalahukan ni Obiena ay ang Virtual Battle of the Finest Pole Vaulter sa Agosto 17 laban kina dating World champion Pawel Wojciechowski ng Poland at American Indoor titlist Matt Ludwig.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with