Pagbabalik-laro ng PBA nalagay sa alanganin
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa training ay mauurong din ang plano ng PBA na ituloy ang natigil na 45th Season sa Setyembre matapos ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine  mula kahapon hanggang Agosto 18.

Tinitingnan na ng PBA ang games resumption sa kalagitnaan ng Oktubre ngunit depende pa rin sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic at pagluwag ng community quarantine implementations.

Kamakalawa ay inanusyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang MECQ status ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya bilang sagot sa request ng mga frontliners na “timeout” dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Dahil dito, naurong ang training restart ng PBA na nakatakda na sana sa susunod na linggo pagkatapos ng swab testing ng 12 koponan sa Agosto 5-7 na hindi rin matutuloy.

Makakakilos na sana ang PBA matapos lumabas ang Joint Administrative Order (JAO) ng PSC, DOH at GAB na naglalaman ng detalyadaong guidelines at protocols noong nakaraang linggo.

Mauurong din sa Set-yembre ang pakikipagpulong ni Commissioner Willie Marcial sa Board of Governors upang pagdesisyunan ang PBA 2020 Season.

Tiwala si Marcial na makakabalik pa rin ang PBA sa pagdaraos ng All-Filipino Conference basta masimulan lang ang trai­ning kapag bumalik na uli sa General Community Quarantine ang NCR.

Sa ngayon, susunod ang PBA sa utos ng awtoridad para sa kapakanan ng lahat sa gitna pa rin ng banta ng pandemya.

Limang buwan nang tengga ang PBA simula nang mapilitan itong magtigil-operasyon noong Marso kahit isang laro pa lamang ang naisalang sa pagitan ng San Miguel at Magnolia para sa 2020 Philippine Cup.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with