May go-signal na rin ang PSL
(Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa sandaling alisin na ng gobyerno ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang probinsya ay kaagad sasabak sa ensayo ang mga koponan ng Philippine Superliga (PSL).

Sinabi kahapon ni PSL chairman Philip Ella Juico na nakatanggap na sila ng ‘green light’ para magbalik sa trai­ning sa pamamagitan ng isang memorandum mula sa Department of Health (DOH) noong Hulyo 23.

Sa kanyang liham ay inaprubahan ni DOH Assistant Secretary Nestor Santiago ang health at safety guidelines na isinumite ng PSL ukol sa mga physical activities sa gitna ng kinakaharap na coronavirus pandemic.

“I am pleased to inform you that the health and safety protocols that we submitted to the Department of Health had been approved with some recommendations,” wika ni Juico sa isang statement.

Ayon sa DOH, maaaring simulan ng mga PSL teams ang kanilang ensayo sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) kung saan limang players lamang ang papayagan kasama ang skeletal workforce na binubuo ng 10-katao habang ang mga non-contact sports ay limitado sa strength training.

Ang PSL ang unang women’s volleyball league na binigyan ng ‘go-signal’ para makabalik sa training at conditioning sessions.

“This is really a big development as we are the first volleyball league to be allowed to return to training. We assured the government that we will do everything to follow the protocols and make sure that training and conditio­ning sessions would be safe and healthy for everyone,” ani Juico.

Idinagdag pa ng dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman at kasalukuyang presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi na kakailanganin ang mandatory swab testing.

Ito ay dahil ang women’s volleyball ay hindi kasing pisikal kagaya ng professional basketball, football at boxing na pinayagang mag-ensayo mula sa inilabas na Joint Administrative Order (JAO) ng DOH, PSC at Games and Amusement Board (GAB).

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with