^

PM Sports

US visa na lang ang kulang ni Ancajas

Russell Cadayona - Pang-masa
US visa na lang ang kulang ni Ancajas
Jerwin Ancajas

MANILA, Philippines — Visa na lang ang hinihintay ni Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas para makabiyahe papuntang sa United States.

Sinabi kahapon ni Joven Jimenez, ang trainer/manager ng International Boxing Federation (IBF) super flyweight title-holder na si Ancajas, na may schedule na ng interview sa US Embassy ang tubong Panabo City, Davao del Norte.

“Iyong (US) visa interview na inaantay namin para kay Jerwin, ngayong August 17 na,” ani Jimnez. “Aalis kami kaagad papuntang US kung may visa na siya.”

Idinagdag ni Jimenez na itataya ni Ancajas (32-1-2, 22 KOs) ang kanyang suot na IBF belt laban kay Mexican challenger Jonathan Javier Rodriguez (21-1-0, 15 KOs).

Bagama’t naantala ang kanyang aplikasyon para sa US visa ay nananatili naman sa pamatay na kondis-yon ang 28-anyos na si Ancajas.

“Maganda po, nasa 90 percent (condition) na si Jerwin. Hindi naman siya naiinip kasi sanay na kami sa ganitong mga sitwasyon,” wika ni Jimenez. “Ang schedule ng laban kapag mapa-finalize na nila kapag nakarating na kami sa US.”

Posibleng gawin ang nasabing bakbakan nina Ancajas at Rodriguez sa Setyembre.

Nauna nang itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pang-siyam na sunod na pagdedepensa ni Ancajas sa kanyang bitbit na IBF super flyweight crown laban kay Rodriguez noong Abril.

Ngunit dahil sa coronavirus disease (COVID-9) pandemic ay hindi na ito natuloy.

Bukod kay Rodriguez ay binanggit din ni Arum na maaaring ilaban kay Ancajas si World Boxing Association (WBA) super flyweight titlist Joshua Franco (17-1-2, 8 KOs).

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with