^

PM Sports

Magno nakaiwas sa MECQ

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Magno nakaiwas sa MECQ
Irish Magno

MANILA, Philippines — Sakto ang paglipad ni Olympian Irish Magno pauwi sa Iloilo, isang araw bago ang pagbabalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine ng Metro Manila.

Matapos ang matagal na paghihintay at ilang flight delays, nakauwi na sa wakas si Magno kahapon sa kanyang probinsiya sa Janiuay, Iloilo.

Sakto ang pag-uwi ni Magno para sa kanyang Olympic training dahil nasa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Iloilo. Dahil MECQ, sarado pa rin sa national athletes ang mga training facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila pati ang Philsports Complex sa Pasig City.

Sa ilalim ng MGCQ, bukas na ang mga gyms na magbibigay tsansa kay Magno na mapaigting ang kanyang pagsasanay matapos ang limitadong workout sa Teachers’ Camp sa Baguio City at sa Philsports Complex City dahil sa community quarantine bunsod ng pandemya.

Apat na buwang natengga si Magno at ang iba pang boxers sa Baguio City at isang buwang tumigil sa Philsports bago nakauwi sa wakas.

Isa si Magno sa apat na Pinoy Olympian sa ngayon na magsasanay kahit pa naurong sa 2021 ang Tokyo Olympics. Kasama niya bilang qualfiiers sina Eumir Marcial, Caloy Yulo at EJ Obiena.

Disyembre pa huling nakita ni Magno ang kanyang pamilya.

vuukle comment

IRISH MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with