^

PM Sports

Dallas 2-talo na pero pasok pa rin sa playoffs

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit talo ang Dallas sa Phoenix, 117-115  na kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa NBA restart, pumasok pa rin ang Mavericks sa playoffs, sa-lamat sa 108-106 panalo ng San Antonio Spurs kontra sa Memphis Grizzlies.

Bago pa man tumapak ng court ang Mavericks ay nakasiguro na sila ng slot sa playoffs  dahil ang pinakamasamang pla­cing nila sa pagtatapos ng seeding games ay No. 7 sa Western Conference kung matatalo sila sa lahat ng anim nilang natitirang laro.

Matapos ang tatlong season, ngayon lang uli makakatuntong ng playoffs ang Dallas na 144 araw na ang nakakaraan  sapul nang maitala nila ang ika-40 panalo ngayong season.

Nakaiwas naman ang Brooklyn na malagay sa alanganin ang kampanya sa playoff spot sa Eastern Conference nang kanilang igupo ang naghahabol na Washington Wizards, 118-110.

Nagtulung-tulong ang Big 3 ng Nets na sina Caris LeVert, Joe Harris at Jarrett Allen na may pinagsama-samang 83 points para iangat ang Brooklyn sa 31-35 record para lalong lumayo sa Wizards na dumausdos sa 24-41 kartada.

Ang Wizards ay may 7-games na layo sa Nets para sa eight seed sa West ngunit base sa bagong rules, magkakaroon ng play-in tournament kung 4-games lang ang layo ng Nets sa Washington pagkatapos ng seeding games.

Samantala, muling pinaalalahanan ng NBA ang mga players na may naghihintay na parusa kapag hindi sila nagsuot ng face mask at maaari silang mapatalsik sa NBA bubble kung paulit-ulit ang violation.

 

 

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with