^

PM Sports

Naudlot na pagbabalik

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kandarapa ang maraming liga na maging pro league – susi sa hangaring makabalik laro sa lalong madaling panahon.

Udlot ang maraming balakin ng biglang humingi ng “timeout” ang mga medical workers, bagay na pinagbigyan ng gobyerno na idineklarang balik ang Metro Manila at karatig probinsiya sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ibig sabihin para sa sports community, balik sa mas mahigpit na restrictions sa mga sports activities. Kahit na ang mga pros ay balik sa kuwadra. Araguy!

Dahil sa government order na ito, naunsyami uli ang planong non-scrimmage training return ng PBA.

Pero ang deklarasyon ni Pareng Kume Willie Marcial: “We’re staying the course.”

Hindi nila lalabagin ang restrictions, pero maghihintay ng tamang panahon para matupad ang hangarin na maisalba pa rin ang PBA Season 45.

Wala naman ibang options ang ibang liga, kundi maghintay rin.

Eh sa isyu naman ng biglang hangaring ma-ging pro league? Sana ay hindi nila ginagawa ang bagay na ito para lang may solusyon sa res-trictions sa panahon ng pandemya.

May mga kaakibat na isyu ang pro status.

Gaya sa volleyball, maaaring magkaproblema sa scholarship at collegiate eligibility ang mga collegiate players sa PSL at PVL kung bigla ng maging pro league.

Ganun din para sa mga collegiate players na nais lumaro sa Chooks-to-Go 3x3 League.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with