Mabangis si Giannis
(Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Kumonekta si Giannis Antetokounmpo ng isang tiebreaking three-point play sa huling 1:28 minuto ng fourth period para tulungan ang Milwaukee Bucks sa 119-112 panalo laban sa Boston Celtics sa NBA season restart nitong Biyernes.

Nagsalansan si Antetokounmpo ng 36 points, 15 rebounds at 7 assists para sa Bucks, may NBA best record na 54-12 at nakalapit sa top seeding sa Eastern Conference para sa ikalawang sunod na taon.

Nakabalik ang Boston mula sa pagkakaiwan para itabla ang laro sa 107-107 kasunod ang 3-point play ni Antetokounmpo kay Marcus Smart para iangat ang Milwaukee sa 110-107 sa huling 1:28 minuto ng laro.

Pagkatapos sumablay ang 3-point attempt ni Jaylen Brown para sa Cel-tics, tumipa si Khris Middleton ng tres para sa 113-107 abante ng Bucks sa nalalabing 63 segundo.

Nagpasabog naman si James Har-den ng 49 points habang may 31 markers si Russell Westbrook para pamunuan ang Houston Rockets sa 153-149 overtime win kontra sa Dallas Mavericks.

Nakabangon ang Rockets mula sa 14-point deficit para makalapit sa Mave-ricks sa 131-138 agwat sa huling 45.2 segundo ng fourth period hanggang makatabla sa 139-139 mula sa tip-in ni Robert Covington.

Kumolekta si Kristaps Porzingis ng 39 points at 16 rebounds para pamunuan ang Dallas habang kumamada si Luka Doncic ng triple-double na 28 points, 13 rebounds at 10 assists.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with