Conor McGregor at Manny Pacquiao
Talagang hinahamon ni McGregor si Pacquiao
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May pasaring na naman sa Twitter ang mixed martial arts superstar na si Conor McGregor ng Ireland sa Filipino world eight-division champion na si Manny Pacquiao.

Sa kanyang official Twitter account na @The Notorious MMA ay nag-post si McGregor ng “Tinatanggap ko” na tila hinahamon talaga si Pacquiao.

Noong Hulyo 14 ay binati ng 41-anyos na si Pacquiao si McGregor para sa ika-32 kaarawan ng dating Ultimate Fighting Championship (UFC) two-division titlist.

Sinagot ito ni McGregor ng “Thank you Emmanuel, 170” na tila tumutukoy sa paghahamon niya kay ‘Pacman’ sa 170kg division.

Ang 170 pounds sa UFC ay welterweight, habang ang 170 pounds sa professional boxing ay super middleweight.

Subalit hanggang light middleweight class lamang lumaban si Pacquiao, ang kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight king, nang talunin si Mexican Antonio Margarito para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown noong Nobyembre ng 2010.

Sa kabila ng pagiging 5-foot-6 ay binugbog ni Pacquiao ang 5’11 na si Margarito kung saan nagkaroon ang Mexican ng fractured orbital bone sa kanyang kanang mata.

Nauna nang natalo si McGregor kay American world five-division titlist Floyd Mayweather, Jr. via tenth-round stoppage sa kanyang unang pro boxing fight noong Mayo ng 2015.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Pacquiao tungkol sa paghahamon ni McGregor at maging ang itinutulak na laban kay World Boxing Organization (WBO) welterweight title-holder Terence Crawford.

Sinabi naman ni MP Promotions president Sean Gibbons na handa ang fighting Senator na sumabak sa isang exhibition match sa Macau kung maganda ang alok na premyo.

 

CONOR MCGREGOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with