Tamayo, Abadiano pinalakas ang UP
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalong lumakas ang UP Fighting Maroons para sa UAAP Season 83 matapos masiguro ang commitment nina high school stars Carl Tamayo at Gerry Abadiano ng NU Bullpups.

Kinumpirma nina UP men’s basketball team coach Bo Perasol at team mangaer Agaton Uvero ang malaking development sa kampo ng Diliman kahapon matapos opisyal na i-welcome ang dalawang Gilas Pilipinas youth standouts.

“We are very happy to have Carl and Gerry in our team. Coming straight out of high school, they have five full playing years with the team. They will really a big boost for our young team which is again in the process of rebuilding,” sabi ni Perasol.

Malaking bahagi sina Tamayo at Abadiano sa tagumpay ng Bullpups sa UAAP, NBTC at sa Palarong Pambansa sa mga nakalipas na taon na tinuldukan nila ng Season 82 sweep noong Marso bago ang pandemya.

Makakasama nila sa UP ang iba pang recruits na sina RC Calimag ng LSGH, Miguel Tan ng Xavier, Fil-Canadians Alonso Tan at Anton Eusebio, FIl-Am Sam Dowd, Fil-Australian Ethan Kirkness at Jancork Cabahug ng UV.

 

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with