Ilang pirasong dilis sa isang platong kanin ang carbo-loading ni June Mar Fajardo
MANILA, Philippines — Isang bandehadong kanin at iilang pirasong dilis ang carbo-loading diet ngayon ni San Miguel Beermen stalwart June Mar Fajardo na kanyang ipinakita sa social media.
Sa Instagram shinare ng sixth-time PBA MVP ang kakaibang diet na ito na kanya raw ginagawa matapos ang isang intense workout.
“After workout carbo-loading continues,” sabi ni Fajardo sa nasabing post na marami ang napangiti.
Tuwang-tuwa ang netizens sa kalokohan ng eight-time PBA champion at nag-iwan ng “Baka matinik ka niyan ingat” na komento si @ruffyjcis.
Nadamihan naman sa ulam si @_rojanflores_ na nag-comment ng “Idol you put too much ulam on your plate that’s not good lol” at “Ang daming ulam! Pakibawasan po! Hahaha.” ai ni @carlotajr
- Latest