May mensahe ang NBA at ang LA Lakers
(Pang-masa) - August 1, 2020 - 12:00am

ORLANDO — Matinding mensahe ang ipinarating ng NBA sa pagbubukas ng Season Restart kung saan nanalo ang LA Lakers at New Orleans.

Para sa inaasam na pagbabago, nakita ang pagkakaisa ng buong liga na pinasimunuan ng apat na koponang sumalang sa unang gabi ng restart.

Sa pagtugtog ng pambansang awit ng America na “The Star-Spangled Banner,”  lumuhod ang mga players at iba pang miyembro ng team habang nakakapit-bisig bilang paraan ng kanilang inaasam na racial justice at equality sa society.

Ganito rin ang ginawa ng Los Angeles Lakers at LA Clippers sa pagtugtog ng national anthem bago ang  kanilang laban.

Bukod sa hard court na may malaking nakasulat na Black Lives Matter, may mga social justice messeges din sa mga jerseys at sapatos ng mga players.

Bawal sa NBA ang pagluhod habang tumutugtog ang national anthem ngunit sinuway ito ng mga players at officials bilang pagpapakita ng kanilang protesta kontra sa police brutality at social injustice.

“I respect our teams’ unified act of peaceful protest for social justice and under these unique circumstances will not enforce our long-standing rule requiring standing during the playing of our national anthem,” ayon sa Statement ni NBA Commissioner Adam Silver.

Ipinakita naman ng LA Lakers ang kanilang puwersa sa kanilang seryosong kampanya para sa NBA title.

Binanderahan ni Anthony Davis ang LA Lakers sa pagkamada ng 34 points, 8-rebounds at 4-assists ngunit si Le-Bron James ang nagdeliber dalawang mahala-gang baskets ng laro tungo sa kanilang 103-101 panalo kontra sa kulang sa taong LA Clippers sa labanan ng dalawang teams na parehong nakakasiguro na sa playoffs.

Sinugod ni LeBron ang traffic sa final mi-nutes para sa lay-up na naglagay sa Lakers sa 101-98 benta at sinundan niya nito ng putback layup sa huling 12.8 segundo ng laro tungo sa kanilang ika-50 panalo sa 64 games para manatili sa pamumuno sa Western Conference kasunod ang Clippers, ‘di nakaasa kina Lou Williams, Montrezl Harell at Patrick Beverly, sa 44-21 karta.

Ang player na naging dahilan ng pagkakansela ng NBA season nang maging unang player ng liga na nagpositibo sa COVID-19 ang siya ring nagbukas ng NBA season restart.

Iniskor ni Utah Jazz center Rudy Gobert ang unang basket ng season restart tungo sa kanyang 14-points, 12-rebounds at 3-blocks performance sa kanilang 106-104 panalo kontra sa New Orleans Pelicans na naghahabol ng top-8 finish para sa  playoff spot.

Ang Utah na sigurado na rin sa playoffs ay umangat sa 42-23.

 

LA LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with