Alyssa, Kiefer, Ricci, Sisi, Kianna humataw sa pagsasayaw
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa isang pambihirang pagkakataon, isa-isang ipinamalas nina Alyssa Valdez, Kim Kianna Dy at Kiefer Ravena ang kanilang dance skills sa social media.

Bilang bahagi ng kanilang endorsement sa isang brand ng softdrinks, umindak ang tatlong Pinoy athletes sa jingle ng naturang inumin.

Hindi nakitaan ng hiya, todo indak at sayaw ang mga ito at lumabas ang itinatago nilang talento sa pagsasayaw.

Sumunod namang nag-post ng kanilang sayaw sina Ricci Rivero at isa pang volleyball star na si Cherry Rondina na approve na approve sa mga netizens  dahil bibihira lang nilang makitang nagsasayaw ang mga ito.

Umabot ng halos 192k views at 48k likes ang post ni Valdez habang hindi naman nagpatalo ang boyfriend na si Kiefer na may 55k views at halos 13k likes at ang version naman ni Dy ay may 52k views at higit 14k likes. May 92K views na si Ricci Rivero at 22K naman si Rondina.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with