GAB pag-aaralan pa ang parusang ipapataw sa Blackwater
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - July 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod na striktong warning, maa-ring parusahan pa rin ang Blackwater ng Games and Amusement Board depende sa masusing pag-aaral  na gagawin ng GAB sa sagot ng Elite sa kanilang liham noong nakaraang linggo.

Bagama’t tinanggap na ng GAB ang pagso-sorry ng Elite sa pangunguna ni team owner Dioceldo Sy ay hindi ito dahilan upang makaligtas sila sa anumang ipapataw na parusa, ayon kay Chairman Baham Mitra.

“We have accepted their apology but the Board needs to study further their reply to our letter if we will sanction or fine them,” ani Mitra. “A stern warning maybe issued by GAB to Blackwater to refrain from any practice in the meantime that the order has not yet come out. This was the same statement that GAB made to the Philippine Football League.”

Nagpulong ang dalawang partido noong Lunes ayon na rin sa request ng Blackwater upang magpaliwanag sa naging paglabag sa IATF guidelines.

Kahit wala pa kasing go-signal mula sa PBA, GAB at multiple go-vernment agencies, nagdaos ng training ang Elite noong nakaraang linggo ayon mismo kay Sy.

Noong Hulyo 3 pa naglabas ng rekomendasyon ang IATF, ayon na rin sa request ng PBA at GAB, upang payagan ang pagbabalik ensayo ng professional basketball. Bagamat pinayagan na ay hindi pa pormal na pinasimulan dahil wala pa ang Joint Administrative Order ng GAB,  Department of Health at Philippine Sports Commission na inaantay ng PBA na lu-mabas ngayong linggo.

Sinabihan ng GAB ang Blackwater na sumunod sa mga guidelines at protocols upang hindi masayang ang efforts ng Board gayundin ng PBA para makahingi ng approval sa IATF.

Titipunin ni Mitra ang GAB Commissioners upang pag-aralan at pagdesisyunan ang isyung ito sangkot ang Elite na noong nakaraang linggo din ay biglang nagsabing  aalis na ito sa PBA at ibibenta ang franchise sa halagang P150 milyon.

Nauna nang napatawan ng PBA ng P100,000 multa ang Blackwater dahil sa naturang paglabag.

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with