Volleyball players malungkot na nagpaalam sa S&A
Alyssa Valdez
Volleyball players malungkot na nagpaalam sa S&A
(Pang-masa) - July 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa social media idinaan ng ilang volleyball stars ang kanilang pasasa-lamat sa Sports and Action channel ng ABS-CBN nang tuluyan na itong magpaalam sa ere.

Isa ang S&A sa  binitawan ng ABS-CBN pati ang FM radio station na MOR 101.9, matapos mabigong makakuha ng bagong prangkisa ang broadcasting company noong nakaraang linggo.

Pinangunahan ni The Phenom Alyssa Valdez ang pagpapasalamat sa malungkot na balitang ito: “.... kasama ko sa pagtupad ng aking mga pangarap. Maraming salamat @abscbnsports!”

Sumuporta si Valdez sa ABS-CBN bilang pagtanaw ng malaking tulong ng network na nagbigay ng pagkakataon sa kanyang maging host ng UAAP Upfront at commentator sa UAAP at PVL games.

Hindi rin naman mapigilan mag-reminisce ni Aby Maraño nang balikan niya ang OJT days sa nasabing channel at malaki ang pasasa-lamat niya rito.

“This makes me so sad. Thank you @abscbnsports for bringing the sports volleyball and us athletes to where we are today,” sabi naman ni two-time ASEAN Grand Prix Best Middle Blocker Majoy Baron.

“THB @abscbnsports is life chan­ging, thank you so much!” post naman ni University of Santo Tomas star Eya Laure sa Twitter.

Nagpasalamat din si Ateneo de Manila middle blocker Bea de Leon sa naging kontribusyon ng ABS-CBN Sports para matupad ang pangarap ng lahat ng atleta sa bansa. (FJosue, Jr.)

 

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with