Obiena ‘model ng kotse?
MANILA, Philippines — Nag-timeout sandali si Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang training para ‘mag-model ng mamahaling sasakyan.
Nasa Formia, Italy ngayon ang Pinoy Olympian para magsanay sa pagsalang niya sa 2021 Tokyo Summer Games at dito na siya naabutan ng lockdown.
Sa bibihirang post sa Facebook, parang model si Obiena na flinex ang gamit niyang kotseng Volkswagen at may caption na inspirational quote ng kilalang baseball batter na si Babe Ruth bilang caption nito.
“The loudest boos will always comes from the cheapest seats... People who invest the least in you will have the most to say about you. Trust your work and keep your circle tight. - Babe Ruth,” sabi ni Obiena.
Ito pa lang ang ikalawang social media update ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games gold medalist mula ng bumalik ito noong Hunyo matapos ang isang buwang hiatus.
Ang tubong Tondo sa Maynila ang kauna-unahang Pilipino na nakasiguro ng slot sa Tokyo Olympics.
- Latest