^

PM Sports

Bato-bato ang Team Ildefonso

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Bato-bato ang Team Ildefonso

MANILA, Philippines — Batak na batak na mga muscles ang flinex ng mag-aamang Ildefonso sa social media kamakailan.

Sa post ni National University (NU) Bulldogs stalwart Shaun Ildefonso sa Instagram, ibinida niya ang resulta ng intense training workout kasama ang kapatid na si Dave at amang si Danny ‘Lakay’ Ildefonso.

Todo pose ang tatlo na para bang naglalaban-laban ang mga ito sa isang bodybuilding contest at pare-parehong ayaw magpatalo sa isa’t isa.

“Triumvirate,” ang simpleng caption ni Ildefonso sa series of photos na ito - na hango sa ancient Rome na ang ibig sabihin ay ‘a group of three men holding power.’

Kitang-kita na alagang-alaga nila ang kanilang pangagatawan maging si Lakay na nasa kanyang 40s na, ay nasa hugis pa rin ang katawan kaya’t napa-comment si @the9cruz ng: “Lakay, the superior Ildefonso hahaha.” at sinagot naman ni Shaun ng: “Oo na mami, oo na.

Nasa gitna man ng quarantine ang Maynila, ay tuloy-tuloy pa rin ang pagpapakondisyon ni Shaun kahit sa loob lamang ng kanilang subdivision at kitang-kita naman ang resulta nito.

vuukle comment

TEAM ILDEFONSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with