^

PM Sports

Ilalaban ng POC ang mga tinanggal ng Vietnam sa 31st SEA Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalaban ng Philippine Olympic Committee (POC) na maisama ang ilang sports events na tinanggal ng Vietnam para sa kanilang hosting  ng ika-31st edition ng Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Ang mga ito ay ang arnis, obstacle course, skateboarding at triathlon, ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

Natanggap ni Tolentino ang sulat mula sa Hanoi kung saan nakasaad ang pagbabawas ng SEAG Organizing Committee ng 20 sports disciplines mula sa 56 noong 2019 edition na dinomina ng host na Pilipinas.

Idinahilan ng Vietnam ang paggastos ng kanilang 2021 SEA Games budget sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kasama sa mga inalis sa calendar of events ng 2021 Hanoi SEA Games ang mga pinagkunan ng gold ng Pinas na arnis (14-golds), obstacle course (6), skateboarding (6) at triathlon (3) noong 2019 SEA Games.

Kung hindi na mababago ang desisyon ng Hanoi organizing committee ay inaasahang mawawala sa Pilipinas ang 58 gintong medalya kasama jiujitsu (5-golds), e-sports (3), sailing (3), soft tennis (3), sambo (2), surfing (2), wakeboarding (2), windsurfing (2), modern pentathlon (2), baseball (1), duathlon (1), rugby (1), softball (1) at squash (1).

Nang angkinin ng Pinas ang overall championship ng 2019 SEA Games ay humakot ang mga Filipino athletes ng kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals kasunod ang Vietnam sa 98 ginto, 85 pilak at 105 tanso, Thailand (92-103-123) at Indonesia (72-84-111).

 

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with