^

PM Sports

UAAP online closing ceremony sa July 25

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na sa Hulyo 25 ang naantalang UAAP Season 82 closing ceremonies ayon kay outgoing president Em Fernandez ng Ateneo.

Ito ang unang opisyal event ng premier collegiate league sa bansa sapul nang napilitang kanselahin noong Abril ang natitirang bahagi ng 82nd Season bunsod ng COVID-19 pandemic.

Pararangalan sa online closing ceremonies ang UST bilang overall champion sa ikaapat na sunod na taon sa parehong senior at junior divisions.

Nakalikom ng sapat na puntos ang Tigers at Tiger Cubs upang madeklarang general champion kahit hindi nalaro ang ibang events tulad ng volleyball, football, baseball, softball, athletics, lawn tennis at 3x3 basketball.

Dahil hindi naman nabigyan ng tsansa ang mga manlalaro mula sa naturang cancelled sports, bibigyan sila ng saludo at pagpupugay sa closing ceremonies.

Sa unang pagkaka-taon naman ay walang “Athletes of the Year” na kikilanin ngayong season dahil hindi lahat ng manlalaro ay nagkaroon ng tsansang ipakita ang kanilang galing.

Magaganap din sa closing ang hosting rights turnover mula sa Ateneo tungo sa Season 83 host na De La Salle University.

ABS-CBN pa rin ang magpapalabas ng closing ceremonies pero sa kanilang online platforms lamang matapos mabigong makakuha ng bagong broadcast franchise.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with