^
Jimuel Pacquiao may pinaghahandaan?
Jimuel Pacquiao

Jimuel Pacquiao may pinaghahandaan?

Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ipasilip ni Pambansang Kamao at fighting senator Manny Pacquiao ang pagsasanay sa boxing ng kanyang misis na si Jinkee, shinare naman niya ang training ng panganay na anak na si Jimuel.

Sa isang basketball court kung saan kasalukuyang nagsasanay ang eight-division world champion, nagte-training din ang batang Pacquiao na ilang beses na ring sumabak sa amateur fights.

Ipinamalas ni Jimuel ang kanyang kahanga-hangang boxing skills sa halos tatlo’t kalahating minutong video na pinost ni Pacman sa kanyang Instagram page.

Kulang man daw siya sa tulog at wala aniya sa tamang hugis, kitang-kita pa rin ang liksi at bilis ng kanyang kilos at galaw at hindi mapagkakailang nasa dugo niya ang pagiging boksingero.

Sumalang din siya sa pad work at dito siya nagpakawala ng sunud-sunod na jab at hook punches kung saan mapapansin talaga ang lakas ng mga kamao nito.

“Most important thing I learned since training with my dad is positioning and balance. He says that’s where power comes from, you know, balance, so that’s the secret of a fighter,” sabi ni Jimuel.

Unang sumabak sa amateur boxing ang batang Pacquiao noong Abril 2019 at dito una niyang naibulsa ang kanyang Knockout (KO) win kontra kay Miguel Egan sa isang charity event sa Quezon City.

Noong Setyembre 2019 naman huling tumungtong sa boxing ring si Jimuel at dito rin unang nadungisan ang 4-0 record niya nang patumbahin siya ni Ken Danila sa kanilang 140-lbs friendly match sa  ‘To Beat or Not to Beat’ event ng Johnny Bravo Gym sa Quezon City.

 

JIMUEL PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with